During the celebration of the Pahiyas Festival, you can observe or hear from many people, in many instances and events, that only the self-serving interests of those in the local government are being peddled, right in the eyes of the public, who cares for nothing and do nothing, even they are being cheated and aggravated or humiliated.
* Sa mga contest, ang desisyon ng mga judges ay final. Sa paligsahan ng pinakamagandang dekorasyon sa Lucban, ang final decision ay nasa isa o ilang miyembro ng Pahiyas Execom

* Pag sa singilan, ang bilis maningil ng munisipyo sa mga sponsors.. Pag bayaran sa mga participants tulad ng banda, sound system at ilang mga bagay na ginamit o nirentahan at mga tao na nagtrabaho para sa Pahiyas, wag kang mauumay dahil aabutin ka pa ng buwan bago makuha ang bayad.

* Hindi lang pala mga participants ang pinababalik-balik sa munisipyo.. kahit pala ung mga nanalo e pabalik-balik para kunin ang premyo.. kasi wala pa daw pondo..

* Noong Pahiyas 2006.. mga tauhan sa mayor’s office ang nag-ahente para sa mga higante.. Pati mga costumes sila pa rin ang kumontrata na gagawa.

* Sa Lucban, palaging nagtatayo ng tourism council na binubuo ng mga pribadong negosyante at mamamayan.. pero pagkatapos ng Pahiyas, wala na silang saysay at ginagawa.. E ang pondo kaya, nasaan na?

* Kung ikaw ay pintor na taga-Lucban at gusto mong mag-exhibit ng iyong mga artworks.. kailangan ay may pera ka para magawa mo ito.. dahil sa halip na tulungan na umunlad ang sining at kultura sa Lucban, daig pa ang mga tunay na art gallery kung maningil ang munisipyo para lamang sa isang maliit na puwesto..

* Ang mga maybahay sa daraanan ng prusisyon ng San Isidro ay bawal magtinda sa harap mismo ng kanilang bahay.. Mabuti pa ang mga taga-ibang lugar.. puwede.. tulad ng mga street peddlers and hawkers..

* Ang isang grupo ng rondalla sa Lucban, para lamang makatugtog sa Pahiyas, kailangan pang magmakaawa sa munisipyo para lamang maisingit sa programa.. Samantalang sila ay tumutugtog ng libre at walang gastos ang munisipyo..

* Kung ikaw ay sponsor, magbigay ka ng malaking sponsorship sa Pahiyas Execom.. dahil kung hindi.. asahan mo na ikaw ay masasapawan sa exposure, masusulot at itatapon sa tabi..

* Taun-taon, pawang mga taga-munisipyo ang namamahala at nagpapatakbo sa Pahiyas at mga programa nito.. kaya hindi nag-iimprove, walang nababago at palaging may palpak.

* Basta tuwing Pahiyas o pagkatapos nito, tanungin mo ang maraming Lucbanin, galit o masama ang loob sa munisipyo.. kasi niraket na, dinaya pa.

* Kaya pala hindi kinukuha ang serbisyo ng mga taga-Lucban tuwing Pahiyas Festival, kasi hindi nila mahingan ng kickback.. o kaya nahihiya sila…

* Hindi lang pala mga taong bayan ang nagagalit sa mga taga-munisipyo tuwing Pahiyas. Pati pala mismong mga taga-munisipyo nag-aaway-away – dahil kanya-kanya sila ng pakikipag-usap sa mga sponsor. May mga goods kasi na pinamimigay ang mga sponsor na pinag-aagawan nila. Makakatipid nga naman sa handa.

* Pagkatapos ng Pahiyas, wag na kayong umasa na may FINANCIAL REPORT na ilalabas ang munisipyo. Kahit kailan, hindi naglalabas ng AUDIT AT FINANCIAL REPORT sa mga pumasok na pera at nagastos sa Pahiyas.

ALAM BA NINYO?

Na ang Pahiyas EXECUTIVE COMMITTEE (Pahiyas execom) ay kadalasang binubuo lamang ng mga pinuno ng tanggapan ng ibat ibang ahensiya ng pamahalaan? nakapagtataka na walang pribadong indibidwal na miyembro nito. kung meron man, hindi rin naman sila ang may kapangyarihan sa mga desisyon at programa, props lang sila. at madalas kesa hindi, taun-taon mga taga-munisipyo rin ang nagpapalitan ng chairmanship ng iba’t ibang sub-committee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *