NO TO COMMERCIALIZATION – says the Pahiyas Execom..

YES TO MAKING PAHIYAS A LUCRATIVE BUSINESS – AS the Pahiyas Execom DOES..

That is what the Pahiyas Executive Committee (ExeCom), who supervises the Pahiyas Festival is conveying since time immemorial due to the massive and uncontrollable proliferation of sponsors, their marketing activities coupled with marketing paraphernalia being given away to the public plus the unscrupulous vendors who squat in every place they are comfortable with just to sell their wares.

* Isang opisyal ng Pahiyas Execom (Executive Committee) ang kumontrata ng sikreto sa isang concert organizer at pinapayagan ito na makapag-concert kahit alam na alam niya na ang sponsor nito ay hindi official sponsor at kalaban pa ng major sponsor ng Pahiyas. Sa kasamaang palad, at sa kakapalan ng mukha siguro ng nasabing opisyal – buking na, lulusot pa – hindi natuloy ang naturang concert at sa halip ay idinaos ito sa Lucena City . Sa halip na tanggalin sa puwesto o bigyan ng parusa ang opisyal, nakaupo pa ito hanggang sa kasalukuyan.

* Hindi nawawalan ng mga bouquet at corsage na bulaklak pag may beauty contest. Sino itong mga taga-munisipyo na nangontrata sa isang flower shop para sa mga bulaklak. Pero sa halip na tumawad ang mga ito, pinadagdagan pa ang mga isusulat na presyo sa resibo?

* Ang sound sytem na ginagamit sa mga programa, mga taga-Maynila ang kinukuha ng isang taga-munisipyo. Pero sa pagkakataong ito, ngayong Pahiyas 2007, napasingit ang isang magaling na sound system provider na taga-Lucban dahil sila ang gusto at nirequest ng band na magpe-perform. Kahit napahiya ang taga-munisipyo, nakipag-talo pa daw ito pero pumayag din sa bandang huli.

* Ang Rizal Park sa harap ng munisipyo, ayon sa isang sign na nasa paligid nito, nakasulat pa sa English at Filipino, ay bawal magtinda sa loob ng parke. Pero pag Pahiyas, bakit pinapayagan ng mga taga-munisipyo na may magtinda sa paligid ng monumento ni Jose Rizal?

* Ibinabando at nagpapaskel pa ng mga anunsyo ang munisipyo, na bawal magtinda ang mga may-ari ng bahay na daraanan ng prusisyon ng San Isidro . Sila ay mga taga-Lucban na pinagbabawalan, pero ang mga bolante na nagkalat sa buong bayan, walang nagbabawal magtinda. Sila kasi ay nagbabayad sa munisipyo.

* Ang Tiyangge sa Lucban ay “exclusive showcase” dapat ng mga pagkain at mga produktong gawa sa Lucban at ng mga Lucbanin. Pero pansinin nyo, lalo na sa hanay ng mga t-shirts at souvenirs, ang ilan ay hindi taga-Lucban at gawang-Lucban ang nakatinda.

* Mga tauhan sa mayor’s office ang nag-ahente para sa mga sponsor ng higante noong Pahiyas 2006. P 15,000 ang kanilang singil samantalang P5,000 lamang ang alam ng mga sponsor dahil sila ay regular na sponsor na nito. Malinaw na P10,000 ang mapupunta sa kanila, laway lang ang puhunan. Isang sponsor din ang kanilang kinontrata para ipagpagawa ang costume nito. (Basahin ang kompletong detalye DITO.)

ALAM BA NINYO?

Na ang Pahiyas (through the Pahiyas Execom) ay may sariling bank account at sariling resibo na ginagamit? Hindi ginagamit ang official government receipt sa mga transaksyong nauukol sa Pahiyas. Ibig sabihin ba nito, ang perang nalilikom sa Pahiyas AY HINDI PUMAPASOK sa kaban ng bayan ng Lucban?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *