• Isang sponsor, na nagbigay na malaking halaga ay nabalewala sa isang programa kung saan isang mataas na opisyal pa naman nito ang naroroon.
  • Naiwan naman ang isang pares na mga kabataang babae at lalaki sa isasagawang Sagala, isang parada ng mga kadalagahan at kanilang konsorte suot ang magagarang damit dahil isang miyembro ng Executive Committee ang nagtaray na huli na sila dahil ang parada ay nagumpisa na. Ang dahilan ng kanilang paggiging huli sa ipunan ng parade – isang taga-munisipyo daw ang nagturo sa kanila ng maling lugar kung saan sila dapat magtipon at maghintay. Sa tagal ng kanilang paghihintay ng nakatayo sa init ng araw, bumalik sila sa lugar na dapat magiipon-ipon subalit nakaalis na nga ang parade. Ang kaawa-awang babae at konsorte nito ay nakuntento na lang sa pagpapakuha ng litrato para hindi masayang ang make-up at damit nito.
  • Marami rin ang hindi masaya sa ginawang Grand Parade, dahil hindi naman ganoon ka engrande ang parada ngayong Pahiyas 2007 dahil sa kakulangan ng ibang mga participants sa naturang parada na nakagawian na taun-taon.
    • Wala ang mga karosa ng mga agricultural products
    • Ang hindi pagparada ng mga higante, isa sa mga pinaka-aabangan at pinakamasayang bahagi ng Grand Parade tuwing Pahiyas. Ito ay sa kadahilanang may nilabag daw ang may-ari nito noong nakaraang Pahiyas 2006. (Basahin ang kompletong detalye dito.)
    • Street Dancing
  • Isang banda ng musiko sa Lucban ang hindi binigyan ng pagkakataon na makatugtog ngayong Pahiyas Grand Parade. Sa buong buhay daw nila, ngayon lang sila hindi nakatugtog at naging bahagi ng Pahiyas sa Lucban. Kaya ang parada ay malungkot at walang buhay. Noong mga nakaraang taon, dalawa o tatlo ang banda pag grand parade.. ngayon isa lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *